Ang Ibong Nakahawla Tula ni Maya Angelou Isang ibon ang umigpaw sa likod ng hangin at nagpalutang pababa sa may ilog hanggang sa magwakas ang agos at nag tawtaw ng kanyang mga pakpak sa kahel na silahis ng araw at nangahas angkinin ang langit. Ngunit ang isang ibong nanlilisik sa kanyang makitid na hawla ay bihirang makasilip sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit mga paa'y tinalian kaya't siya'y nagbuka ng tuka upang makaawit. Ang ibong nakahawla'y umaawit nang may kasindak-sindak na tinig ng tungkol sa di-batid na mga bagay ngunit minimithi ang kapayapaan at ang kanyang himig ay naririnig sa malayong burol sapagkat ang ibong nakahawla'y umaawit ng kalayaan. Ang malayang ibon namay nag-iisip ng ibang simoy ng hanging malamyos sa mga punong nagbubuntonghininga ng matatabang uod na naghihintay sa damuhang sinisinagan ng umaga at ang langit ay itinuturing na kanyang sarili. Ngunit ang isang ibong nakahawla'y nakatayo sa puntod ng mga pangarap anino niya'y...