Skip to main content

Ang Ibong Nakahawla ni Maya Angelou


 Ang Ibong Nakahawla 

Tula ni Maya Angelou


Isang ibon ang umigpaw
sa likod ng hangin
at nagpalutang pababa sa may ilog
hanggang sa magwakas ang agos
at nag tawtaw ng kanyang mga pakpak
sa kahel na silahis ng araw
at nangahas angkinin ang langit.

Ngunit ang isang ibong nanlilisik 
sa kanyang makitid na hawla
ay bihirang makasilip
sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit
mga paa'y tinalian
kaya't siya'y nagbuka ng tuka upang makaawit.

Ang ibong nakahawla'y umaawit
nang may kasindak-sindak na tinig
ng tungkol sa di-batid na mga bagay
ngunit minimithi ang kapayapaan
at ang kanyang himig ay naririnig 
sa malayong burol
sapagkat ang ibong nakahawla'y
umaawit ng kalayaan.

Ang malayang ibon namay nag-iisip ng ibang simoy
ng hanging malamyos sa mga punong
nagbubuntonghininga
ng matatabang uod na naghihintay sa damuhang
sinisinagan ng umaga
at ang langit ay itinuturing na kanyang sarili.

Ngunit ang isang ibong nakahawla'y nakatayo sa 
puntod ng mga pangarap
anino niya'y sumisigaw sa tili ng isang bangungot
mga pakpak niya'y pinutulan at mga paa'y tinalian
kaya't siya'y nagbuka ng tuka upang makaawit.

Ang ibong nakahawla'y umaawit
nang may kasindak-sindak na tinig
ng tungkol sa di-batid na mga bagay
ngunit minimithi ang kapayapaan at ang kaniyang himig ay naririnig sa malayong burol
sapagkat ang ibong nakahawla'y
umaawit ng kalayaan.

-Salin ni Rogelio G. Mangahas



TATASALITAAN: Linangin at palakasin ang inyong talasalitaan sa pagsasagot sa sumusunod na gawain. I-click lamang ang link . https://quizizz.com/join?gc=64301381


SURING BASA: Tiyakin ang iyong pagkatuto mula sa akdang iyong binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na matatagpuan sa link na ito. https://quizizz.com/join?gc=38086981

Comments